Sunday, December 30, 2007
Ang Pagpupunyagi ng SENTOSA 27++ Pagsilip sa tunay na kalagayan ng mga OFW sa ibang bayan at ang kanilang pakikibaka.
Ngayong taong ito tumampok ang kwentong sinapit ng mga Filipino nurses na kahit binusabos,pilit na tumindig at nakibaka. Nagsimula ang kanilang pakikibaka ng iniwanan sila ng kanilang Employment Agency na Sentosa Recruitment Agency,isang international placement agency na nakabase sa estados unidos.Lingid sa kanilang kaalaman may katiyakan ang kanilang aplikasyon, pero hindi ganoon ang nangyari pagtapak nila sa US, biglang kabig pabaliktad ang agency .hindi daw sila kaagad-agad tatanggapin sa US.kailangan daw na munang pumasok sila sa mga nursing home ang mga ito. Dagdag na pasanin sa kanila.Lumipas ang mga araw ,halos maubos na ang kanilang mga pera at pilit na nagtatago sa awtoridad ng imigration sa US para di mahuli,walang naganap na tarabahong ipinangako ng Sentosa.
nagsampang kaso sa POEA ang mga pamilya laban sa Sentosa.Nagkaroon ng Preventive Suspention Order para itigil ang operasyon ng Sentosa,pero agad itong binawi ng sumulat sa Malakanyang at POEA si Sen. Chuck Schumer ng New York.Giit nito na hindi daw kasalanan
ng Sentosa kung hindi sila mabigyan ng trabaho dahil nanggugulo daw sila.
Patunay lang na ang rehimeng ito ay di nagsisilbi sa kapakanan ng mga manggagawang pilipino sa ibayong dagat bagkus sa dikta ng dayuhan.Hindi pa nga nasasagot ni Gloria kung saan niya ginamit ang mga nireremit na pera ng mga OFW,may panibago na namang pandarambong itong ginawa.
Pero hindi dito natatapos ang laban para sa mga OFW na pinagkaitan ng hustisya lalo na sa mga biktima ng Sentosa.Tuloy ang kanilang pakikibaka dahil lihitimo ang kanilang karaingan.Lalo lamang pinalalakas ng mga ganitong pangyayari ang loob ng mga Filipino nurses na nabiktima ng Sentosa.Tuloy din ang suporta ng BAYAN-USA,ng National Alliance For Filipino Concerns(NAFCON) at gayundin ang Migrante International sa kanilang laban.Gayundin tuloy tuloy ang suporta ng mga ilang indibidual na naniniwal sa kanila.Patuloy silang magpupunyagi kahit sa gitna ng kagipitan at sa tagumpay###
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment