Friday, May 8, 2009

Eto na naman AKO!(mismo)

Nakakamis pala ang di pagba-blog.Sayang dami ko kasing ginagagawa.Well,kaya ko to.

Nitong nakaraang araw, may sumolpot na Ako MISMO sa bawat istasyon ng tv.Na amazed ako at agad akong nag sign-up para sumali.Pero matapos kong ibigay ang mga kailangan impormasyon,hindi parin me makapunta sa main page nila.intayin ko nalang daw ang email nila na hanggang sa ngayon ay wala parin. Nagtataka lang ako kung ano talaga ang nais ng Ad na ito.Totoong lumalakas ang diwang Nasyonalismo ng Mamamayang Filipino at paghahangad ng Tunay at Rebulosyonaryong Pagbabago,sinasabi ng bawat karakter na nasa ad na kahit simple at maliit,kaya ang pagbabago.Ok na sana pero nainis lang ako nang malaman ko na ang pagbabago daw ay magsisismula sa sarili.hay...sadyang makaisang panig.

Ang masasabi ko lang ay hindi mo mababago ang iyong sarili nang hindi nakikisalamuha sa ibang tao.Ang mga tendensiya ng kasamaan ng ugali,kawalangpakialam at indibidwalismo ay maari lamang mabago kung may mga tao,kaibigan,kasama at kapaligiran na handang ipaalam ang mga kahinaan ng isang tao at anu ang kailangan nyang gawin para makatulong.Sa ganitong proseso, unti-unting nababago ang pakikitungo natin sa ibang tao.Sa ganitong aspeto din nadedevelop ang konsepto ng pakikipagkapwa-tao.

Hindi kailan man mapapalitan ang bulok na sistema ng simpleng pag sign-up at ipahayag sa web kung ano ang magagawa mo.Tanging sa sama-samang pagkilos lamang maitatayo ang bagong sistema.Mula sa sama-samang pagkilos,nadedevelop sa bawat kalahok ang kanilang kakayahan at ang kanilang papel sa pagbabago.Parang group dynamics lang kapag gumagawa ng group project!(di ba!)Maaaring manging pangit at late ang pagpasa ng Group Project kapag isa lang ang gumawa.(sabihin mong hindi!)

Now,batid ko na ang ibig sabihin nito."Another round of deception to divert the attention of the broadening critical masses" Sana lang wag nang idaan sa magandang Tv ad. Nakakaloko kasi sa mga tunay na naglilingkod at nagmamahal sa bayan.Sana lang maykatuturan ang Tv campaign na ito.(sa mga myembro dyan,wag kayong magalit opinyon lang to.)

Powered By Blogger