Sunday, December 30, 2007

2007 Memorable Moments in the Mass Movement



(ito ay bata'y kay Renato Reyes jr. ng Bagong Alyansang Makabayan)

As the year draws to an end, we heave a collective sigh of relief for having survived the difficulties of 2007, as we remain ever ready to face the challenges of 2008. The following are for me some of the 4M’s of 2007. They are listed in no particular order of importance.

The release of the Melo Report, the Alston Report and the Permanent People’s Tribunal verdict – Both the Melo report and the Alston reports demolished the Armed Forces of the Philippines line that the extrajudicial killings of activists were the result of an internal purge of the Communist Party of the Philippines. The Melo report pins responsibility on the butcher M/Gen. Jovito Palparan for the killings. The Alston report blames the Arroyo government’s counter-insurgency program for the killings. The PPT verdict meanwhile sought to give the bigger picture on how the economic and political crisis in the Philippines, and the Bush-Arroyo war on terror, gave rise to extra-judicial killings and repression in general. Later in the year, the US Senate would tie $2 million in additional military aid to the Philippine government’s human rights record.

The arrest and detention of Bayan Muna Rep. Satur Ocampo – We were there during the arrest of Ka Satur after filing his petition before the Supreme Court. We were also there at the Manila Police District at 4:30am when Ka Satur was about to be transferred to Hilonggos, Leyte. The picture of Ka Satur being forced into a waiting vehicle spoke volumes on the state of repression in the Philippines. Ka Satur was eventually given temporary liberty by the Supreme Court of the Philippines after posting bail.

The release of Ka Bel after more than a year of detention, the junking of the rebellion case against 50 + personalities – The Supreme Court of the Philippines this year finally junked the rebellion cases against the Batasan 6 and others accused of rebellion for the incidents in February 24, 2006. Ka Bel was released after spending a year and four months under hospital arrest.
The march to Mendiola on the first day of the implementation of the anti-terror law – The implementation of the Human Security Act was met with indignation. For the first time in a long time, Bayan forces were able to march to Mendiola and hold a program sans any violent dispersal. Manila Mayor Alfredo Lim has announced publicly that he will allow protests in Mendiola on weekends and holidays. It felt good to be back in Mendiola that day.

The SONA protests, the giant effigy and the foreign contingents – One of the biggest protests of the year was the annual State of the Nation Address of the president. It was a colorful march whose highlights included the giant “Gloria Manananggal Arroyo” which had the torso detaching from the waist, just like a real manananggal. Also, the sizeable foreign contingent from Belgium, Korea and the United States really grabbed the attention of rally participants and the media. Of course, the Bureau of Immigration was pissed off and even threatened to deport all the foreigners.
Lighting protest of the LFS in front of the US embassy – Anniversary mob of the LFS marching right up to the embassy seal. The embassy seal seemed to almost fall off the wall.

Urban poor march and program to Mendiola on December 6 – On Urban Poor Day, members of Kadamay marched to Mendiola and held a program. This one’s interesting because they did it sans a permit and on a weekday, getting past the police phalanx.
August 30, International Day of the Disappeared – For the second year in a row, we marked International Day of the Disappeared. This year’s protest was highlighted the cases of Jonas Burgos, Luisa Dominado and Nilo Arado.
December 14 Nationwide protests and transport strike vs oil price increases - – It has been two years since the last transport strike. The action succeeded to a certain extent, forcing the government to ask the oil companies not to raise prices for the remainder of the year.

Noise barrage and rally at the Elliptical Road in the aftermath of the Batasan blast – this one was a big protest action that was a multisectoral effort aimed at drumming up the “Gloria Resign!” call.
Caged protest in front of New Zealand parliament – This one got the attention of the foreign media. While Mrs. Arroyo was in New Zealand for an official trip, lone protester Dennis Maga was inside a steel cage in front of Parliament protesting the political repression in the Philippines.

Protests at the PICC vs electoral fraud – We did several protest actions at the PICC to protest the election fraud that marred the 2007 national polls. There were several broad actions and quite some action during these protests. This included the hosing down of protesters at one protest action. We also realized that the Cultural Center of the Philippines is BIG and that marching and running around it was no small feat (as even the police found out).

Of course there other notable and memorable events for 2007, including the Manila Peninsula incident but there wasn’t really much of a mass movement in the Peninsula, which is why the action did not succeed in its avowed objectives.

Ang Pagpupunyagi ng SENTOSA 27++ Pagsilip sa tunay na kalagayan ng mga OFW sa ibang bayan at ang kanilang pakikibaka.



Ngayong taong ito tumampok ang kwentong sinapit ng mga Filipino nurses na kahit binusabos,pilit na tumindig at nakibaka. Nagsimula ang kanilang pakikibaka ng iniwanan sila ng kanilang Employment Agency na Sentosa Recruitment Agency,isang international placement agency na nakabase sa estados unidos.Lingid sa kanilang kaalaman may katiyakan ang kanilang aplikasyon, pero hindi ganoon ang nangyari pagtapak nila sa US, biglang kabig pabaliktad ang agency .hindi daw sila kaagad-agad tatanggapin sa US.kailangan daw na munang pumasok sila sa mga nursing home ang mga ito. Dagdag na pasanin sa kanila.Lumipas ang mga araw ,halos maubos na ang kanilang mga pera at pilit na nagtatago sa awtoridad ng imigration sa US para di mahuli,walang naganap na tarabahong ipinangako ng Sentosa.

nagsampang kaso sa POEA ang mga pamilya laban sa Sentosa.Nagkaroon ng Preventive Suspention Order para itigil ang operasyon ng Sentosa,pero agad itong binawi ng sumulat sa Malakanyang at POEA si Sen. Chuck Schumer ng New York.Giit nito na hindi daw kasalanan
ng Sentosa kung hindi sila mabigyan ng trabaho dahil nanggugulo daw sila.

Patunay lang na ang rehimeng ito ay di nagsisilbi sa kapakanan ng mga manggagawang pilipino sa ibayong dagat bagkus sa dikta ng dayuhan.Hindi pa nga nasasagot ni Gloria kung saan niya ginamit ang mga nireremit na pera ng mga OFW,may panibago na namang pandarambong itong ginawa.

Pero hindi dito natatapos ang laban para sa mga OFW na pinagkaitan ng hustisya lalo na sa mga biktima ng Sentosa.Tuloy ang kanilang pakikibaka dahil lihitimo ang kanilang karaingan.Lalo lamang pinalalakas ng mga ganitong pangyayari ang loob ng mga Filipino nurses na nabiktima ng Sentosa.Tuloy din ang suporta ng BAYAN-USA,ng National Alliance For Filipino Concerns(NAFCON) at gayundin ang Migrante International sa kanilang laban.Gayundin tuloy tuloy ang suporta ng mga ilang indibidual na naniniwal sa kanila.Patuloy silang magpupunyagi kahit sa gitna ng kagipitan at sa tagumpay###

Thursday, December 20, 2007

Pagpupunyagi nina Karen at Sherlyn


SA KABILA ng mga dinanas niya, matapang pa rin si Sherlyn Cadapan. Bata pa lamang, nakitaan na siya ng ganitong katangian, laluna noong naging atleta si Sherlyn. At tulad marahil ng mga torneong nalahukan niya noong kolehiyo ang pakikipagtagisan sa mga militar habang nasa kamay nila – laro lamang ito ng isip at determinasyon.

Isang araw noong Abril, pinlano ni Sherlyn na makatakas. Pinlano niyang ipaalam ang kinalalagyan nila ng kasamahang si Karen Empeño.

Ang plano: paniwalain ang mga sundalong bantay na bumigay na siya. Na gusto na niyang makipagtulungan. Na aaminin na niya ang dapat na aminin, ituturo na ang dapat ituro. Kunyari, uuwi siya sa Calumpit, Bulacan, sa bahay ng kasintahan, para ituro ang nakatago umanong mga baril.

Ika-11 ng Abril, kasama ang isang pangkat ng babaing mga sundalo, pumunta si Sherlyn sa bahay ng kasintahan. Sa kanyang bulsa, isang kapirasong papel na naglalahad na sila ni Karen ay nasa Kampo Tecson, San Miguel, Bulacan.

Kilala siya ng magulang ng kasintahan, at sinalubong ng yakap. Pero bago pa man tahimik na naibigay ang kapirasong papel, nabisto na siya ng bantay. Agad siyang ibinalik sa sasakyan. Gulpi ang inabot ni Sherlyn.

Kuwento ni Raymond

Bahagi ito ng ikinuwento ni Raymond Manalo sa kanyang sinumpaang salaysay. Siya ang isa sa magkapatid na Manalo na dinukot ng mga sundalo noong Pebrero 2006 at saka nakatakas noong Agosto 13, 2007.

Ito ang ikalawang sinumpaang salaysay ni Raymond. Ang una, pirmado at sinumite sa Korte Suprema para hilingin ang proteksiyon ng korte. Ang ikalawa, di pirmado, at naibigay kamakailan ni Raymond sa Karapatan, alyansang pangkarapatang pantao.

Sa huling pagdinig para sa hinihinging writ of amparo sa kasong Empeño-Cadapan, iniutos ng Court of Appeals na tumestigo si Raymond hinggil sa nalalaman niya sa kaso.

Dahil di pirmado, walang legal na halaga ang pangalawang salaysay. Pero para sa Karapatan, kinukumpirma nito ang mga impormasyong natatanggap mula sa iba’t ibang impormante: na buhay sina Karen at Sherlyn mahigit sampung buwan matapos dukutin ang dalawang estudyante noong Hunyo 26, 2006 sa Hagonoy, Bulacan.

Malalim ang naging pakikipag-usap ni Raymond kay Sherlyn. “Noong una ay hindi ko pa siya kilala, napagkamalan ko pa nga na baka isa sa mga kabit ng militar…[P]agkaraan ng dalawa o tatlong araw ay saka pa lamang kami nagkakuwentuhan,” ayon sa kanyang salaysay.

Noong una niyang nakita si Sherlyn, “payat na payat at lubog ang mata” nito. Nakatali ng kadena ang mga kamay at paa. Tahimik umano si Karen, pero makuwento si Sherlyn.
Sa ilang pagkakataon, “ginawang labandera at masahista ng mga militar” ang dalawang estudyante.

Pinahirapan

Galit na galit ang militar nang mabuking nito ang plano ni Sherlyn noong Abril 11. Ayon kay Raymond, muling tinortyur si Sherlyn pagbalik sa kampo. Pati si Karen ay isinama na. “Sinuntok nila ang buong katawan ni Sherlyn at Karen, dumugo ang nguso, ibinitin ang dalawa [nang] patiwarik na ang nakatali lamang ay isang paa habang sila ay hubo’t hubad…Pagkatapos ay binubuhusan sila ng tubig sa ilong.”

Si Reynaldo, kapatid ni Raymond, ginawang tagatapon umano ng ihi ng dalawa na “pulos dugo.” “Ako naman ang pinaglaba ng mga militar ng mga damit at underwear ng dalawa na puno rin ng mantsa ng dugo at putik,” sabi pa ni Raymond. Wala sa pangalawang sinumpaang salaysay, pero sinabi rin diumano ni Raymond sa Karapatan na ikinuwento sa kanya ni Sherlyn na ginahasa sila ng mga sundalo.

Matagal pang nagkasama ang magkapatid na Manalo at sina Karen, Sherlyn, at Manuel Merino. Mayo 2007, dinala sila sa isang safehouse sa Iba, Zambales. Alam ni Raymond na sa Iba sila dinala dahil nakita niya ang arko ng bayan. Unang linggo ng Hunyo, ibinalik ang lima sa kampo ng 24th Infantry Batallion sa Bataan. “Noong ika-8 at -9 ng Hunyo, dinala kaming tatlo (ako, si Reynaldo at Mang Manuel) sa gubat na nasa kabila lang ng kampo,” kuwento ni Raymond. Ito na umano ang huling pagkakataong nakita niya sina Karen at Sherlyn.

Writ of Amparo

Sa isinampang petisyon para writ of amparo, hiniling ng mga magulang nina Karen at Sherlyn na inspeksiyunin ang mga kampo at safehouse na nabanggit sa salaysay ni Raymond.

Mabigat kina Linda Cadapan, ina ni Sherlyn, at Connie Empeño, ina ni Karen, na tanggapin ang salaysay ni Raymond. Pero, anila, “inaasahan na namin iyon.” Hindi lubos-maisip ni Linda kung “anong pagkatao mayroon” ang mga sundalong nagpahirap – at maaaring nagpapahirap pa rin ngayon – kina Sherlyn at Karen.

Ayaw pang sagutin ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang mga pahayag ni Raymond. Pero sa sagot sa petisyon nina Connie at Linda, hindi umano ito papayag na siyasatin ang mga kampo at safehouse dahil “mapanganib.” Ayon kay Atty. Amparo Teng ng tanggapan ng Solicitor General na kumakatawan sa AFP sa korte, mistulang “fishing expedition” o pamiminguwit lamang ang gustong mangyari ng mga ina.

Pumayag ang korte na dinggin ang mga testigo ng Karapatan, kabilang si Raymond at ang magulang ng kasintahan ni Sherlyn na tumangging pangalanan sa midya.

Gusto lamang ni Connie makita ang anak, patay man o buhay. Para naman kay Linda, “Habang wala pa talagang patunay, hindi ko pa rin kinokonsidera na patay si Sherlyn.”

Sa ngayon, umaasa sila na makakatulong ang sistemang legal sa paghahanap. Pero anu’t anuman, lalong lumiliwanag sa isipan nila: sa isang banda, ang kawalanghiyaan ng gobyerno, at sa kabilang banda, ang kabayanihan at katapangan ng kanilang mga anak.

Walang araw na hindi niya naaalala ang anak, sabi ni Connie. Labis siyang humahanga sa mga pagtulong na ginawa nito sa mga magsasaka sa Bulacan. Naisip niya, “dakilang tao ang anak ko.”

“Bata pa, matapang na si Sherlyn. Mag-isa siyang lumalangoy,” gunita naman ni Linda. Nang naging varsity sa iba’t ibang isport, lalong nahasa umano ang pangahasan ni Sherlyn.

Ngayong nasa kamay ng militar, nakikipagtagisan pa rin siya, kasama ang kaibigang si Karen.

Wednesday, December 19, 2007

Cyberkurakot Ibasura!

CyberEd Protest Badge

(Click here for the Primer on Cyber Education Project...Ibasura!!!)

Sunday, December 16, 2007

Stand for Human Rights



Imagine no more killings, and disappearances too…

(sang by a Canadian friend to the tune of John Lennon's IMAGINE during a solidarity visit with victims' families, human rights advocates and church workers, November 2007)



Where can the Filipino people turn to when the Philippine government, a signatory to the United Nations' Universal Declaration on Human Rights, is the principal violator of the people's rights?



For seven years, the Arroyo government stands guilty of systematic violations of the Filipino people's socio-economic rights. The people cry out: HUMAN RIGHTS BEFORE PROFITS! But this government gave us incessant oil price hikes, imposed budget cuts for public health, education and other basic social services, expanded unjust taxes and continued to get away with anomalous deals involving multi-billion pesos that could have saved the lives of Mariannet Amper and scores of poor children. This government evicted poor farmers and indigenous peoples from their land and livelihood, neglected mining-affected communities who bear the deadly costs of large-scale mining, ignored demands for substantial wage hikes and demolished thousands of urban poor.



For seven years, the Arroyo government stands guilty of violating the Filipino people's civil and political rights when it crafted Oplan Bantay Laya I and II to eliminate or at the minimum, harass and intimidate perceived enemies of the state, through extrajudicial killings, enforced disappearances, warrantless arrests, torture and increasing military deployment both in rural and urban communities. The Arroyo government also stands guilty of violations of cultural and religious rights especially of our Moro sisters and brothers when it repeatedly ordered all-out military offensives that scarred civilian communities, including mosques and Muslim schools.



As people of faith, we affirm that defending human rights is a sacred and urgent task in the face of repressive and oppressive instrumentalities of the Arroyo presidency that has demonstrated time and again, that it will hold on to power at all cost.



We envision a Philippines where the Filipino people will not have to beg for land, shelter, jobs and basic needs to live as decent human beings. We envision a Philippines where human rights are fully guaranteed. We believe that tyrants and oppressive leaders who thrive on flagrant corruption, economic plunder and systematic human rights violations are bound to face downfall. The Filipino people who have seen that they cannot turn to the Arroyo government for guarantees to protect, promote and defend their rights at all cost, are compelled to turn to their collective power to work for justice and meaningful change.



Enough of the fraudulent president, plunderer and human rights violator!

Join the Multi-Sectoral March for Justice and Call for Arroyo's Ouster




STOP EXTRA-JUDICIAL KILLINGS, ENFORCED DISAPPEARANCES AND ALL FORMS

OF HUMAN RIGHTS VIOLATIONS!

Friday, December 14, 2007

Kampong Bayan (People's Camp)



The Kampong Bayan had for its theme:

Itigil ang Mapaminsalang Dayuhang pagmimina. Ipasara, Palayasin at Pagbayarin ang Lafayette!


The Kampong Bayan was hosted by the following organizations: Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagmimina at Kunbersyong Agraryo- Bikol (UMALPAS KA- Bikol), SAGIP ISLA- SAGIP KAPWA Inc., Save Rapu-rapu Alliance (SARA), Anti Lafayette Mining Alliance (ALMA), Alyansa Kotra Lafayette sa Sorsogon (AKLAS), Lakas ng Maliliit na Mangingisda sa Bikol (LAMBAT –Bikol) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas- Bikol (KMP-Bikol)

Tigil-pasada tagumpay - Piston


Idineklarang tagumpay ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang kanilang tigil-pasada nitong Huwebes matapos umanong maparalisa ang 95 porsiyento ng pampublikong transportasyon sa ilang lugar sa bansa.

Sa panayam ng dzBB radio, sinabi ni George San Mateo, secretary general ng Piston, na hindi na nila pinahaba ang protesta at pinabalik na ang mga tsuper sa mga lansangan dakong 5 p.m.

Inihayag nito na kahit hindi sumama ang ibang grupo ng transportasyon ay nagawa nilang paralisahin ang 90 hanggang 95 porsiyento ng transportasyon sa buong bansa at 70 hanggang 90 porsiyento sa Kamaynilaan.

Hahanap pa rin umano ang kanilan grupo ng ibang paraan upang patuloy na itulak ang pagrepaso sa oil deregulation law at pagbuwag sa umano’y oil cartel sa merkado.

Samantala, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na “normal" ang transportasyon sa Maynila nitong Huwebes.

Ginawa ng Piston ang tigil-pasada bilang protesta sa tumataas na presyo ng langis. Nabahiran din ng insidente ang pagkilos dahil sa pagharang ng mga myembro ng Piston sa mga tsuper na patuloy na pagpasada.

Ayon kay San Mateo, 95 porsiyentong paralisado ang transportasyon sa Davao, General Santos City, Bicol, at Bacolod, habang 90 porsiyento naman sa Panay at 85 porsiyento sa Cagayan de Oro.

Sa Kamaynilaan, inihayag ni San Mateo na paralisado ang 90 porsiyento ng ruta ng jeepney sa Monumento, 95 porsiyento sa San Juan , 95 porsiyento sa Alabang, 80 porsiyento sa Southmall at 90 porsiyento sa Angono Crossing.

Idinagdag niya na umabot sa 97 porsiyentong naparalisa ang byahe sa ruta mula Project 3 sa Quezon City hanggang sa Maynila.

Sunday, December 9, 2007

TAAS KAMAONG PAGPUPUGAY KASAMANG NICK ATIENZA...

Red Angel(for Nic and friends) Edel Garcellano They must have hoped through the months for a sign from the sky: in the arabesque of leaves under their feet, in the blast of wind over their heads... But the gods were merciless! Their prayers were like stones Dropping into the abyss --- and they couldn't eveh hear the sound of their empty falling! They would be no miracle? and their feeble sighs would resonate from the secret chambers of their hearts: Why do revolutionaries die? Still, the gods would madly laugh, as if all should never dare question the law of the universe... The morning after, the slow rain pattered on ten rooftops. The weather had been uncertain the past few weeks. But one thing they were damned sure of --- nature was taking its course. They had finally read the writing on the wall of the universe. So they dutifully gathered at his bedside to let the world know that Ka Monico Atienza, red angel, of their subliminal joys and fears, lived a just, heroic life and they would now, orphans of his presence, take on the grim task that he unwillingly abandoned for that light beyond his body's shell, and they, who would follow his incandescent destiny, would salute him who was truly the miracle itself for resisting, for persisting to live humanly and meaningfully in this age of tyrants and luminous barbarians.

Saturday, December 8, 2007

HABAGAT

Magtanong...Maghamon... Magtangka...Makisangkot*
“SINONG NAG SABI NA WALA TAYONG MAGAGAWA, SINONG NAG SABING MAG-ARAL MUNA AT WAG MAKIALAM,PADADALA KA BA SA AGOS? HALINA AT KUMILOS,ETO NA ANG PANAHON!”
-Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (KARATULA)

Isa lang ako sa mga dati'y walang pakialam sa pamantasang ito. Pero 'di na ngayon... Heto ako mulat na kumikilos para sa pagbabago. Siguro nga ay wala akong maipagmamalaki 'pag dating sa mga grades ko, pero 'di ko ito ikinahihiya. Mabababa ang grades ko dahil sa pakikilahok ko sa mga pagkilos sa lansangan at hindi dahil sa mga paglalakwatsa, gimik, pagso-syota at mas lalong 'di sa pag-aadik.
Mas kinahiligan ko na magklase sa mga lansangan ng Mendiola, Batasan, at Boni Shrine.

MAGTANONG...
“Ano naman ba ang nakukuha mo sa pagra-rali?! Wala naman kayong magagawa!”
Ito ang laging argumento ng aking nanay sa akin. Nung una 'di niya tangap ang aking mga ginagawa.Sa kasalukuyang konteksto kasi ng pamilya , mas gugustuhin pa ng mga magulang na maging pasibo ang kanilang mga anak at mag- aral na lang. Pagkatapos ng graduation, tungkulin ng mga anak na suklian ang mga hirap na ginawa ng kanilang mga magulang. Sa aking opinyon, tama sila at ayokong iwaksi ang ganitong mga kaugalian dahil talaga namang malaki ang sakripisyo ng ating mga magulang lalo na ngayong panahon ng krisis (kahit sinasabi ni Gloria na umuunlad na tayo...$$@!!!). Pero lagi ko rin sinasabi sa kanya na “Mami, sa totoo lang, for so many years mo na sa service,ang kinakaltas ng government sayong tax ay di mo naman napapakinabangan. Sa totoo lang, dapat di mo na iniintindi ang pang matrikula ko dahil education is a right and not a privilage!”.Siguro,kahit naaasar sya sa ginagawa ko natatanggap nya rin dahil talaga namang may punto ako. Alam niya ang kasalukuyang kalagayan sa mga public schools.Maduming c.r. ,walang text books,kulang sa class rooms at mababang sahod ng mga teachers. Sa mga simpleng paglahok ko sa mobilisasyon kontra tfi , back cola ng mga teachers at atbp...Naipapakita ko sa kanya na kasama nya ako sa kaniyang ipinaglalaban.

MAGHAMON...
Gusto ko ring bigyang pugay ang mga magigiting kong mga guro na nanindigan para sa tama,kahit hindi tayo nag tagumpay sa pagkakataong ito,nagtagumpay naman kayo sa pagtuturo sa amin kung paano manindigan para sa katotohanan,dahil kami ay magiging guro sa hinaharap. Pero nais ko rin ipabatid hindi lamang sa ating mga guro pati narin sa kapwa ko magaaral na mag tatagupay lamang ang ating mga ipinaglalaban kung tatanggalin natin mismo sa ating hanay ang pagiging sektaryan.Wag tayong maging consevative,kesyo ito ay laban ng mga estudyante o di kaya ay kaguruan,ang ating sama samang pagkilos ay susi sa ikatatagumpay ng ating ipinaglalaban.Itakwil din natin ang mga grupong mapang hati sa ating pamantasan,at pagkaisahin ang ating hanay. Para naman sa mga gurong atrasadong mag-isip at kung anu-ano ang tinuturo walang ginawa kundi manira,heto lamang ang masasabi ko sa inyo
:”if presonal conviction, theoretical maturity and practical circumstances result in the students decision to opt for the higher level of confrontation,let us not be too upset about his absence from class and the academe it will be more tragic if he absent himself from the making of history” -Lean Alejandro,Student Leader

MAGTANGKA...
Para naman sa mga ka medyor ko, siguro nga ay mahilig ako sa ating laboratoryo,ang lipunan.May mga bagay kasi na lubos mo lang mauunawaan sa labas ng paaralan.At may mga bagay din na itinuturo sa eskwela na malayong-malayo sa tunay na kalagayan ng lipunan.Well,wala ako karapatan na sabihin 'to.Isang hamon nalang ang iiwan ko sa inyo.”Try to discover the outside world,then find the difference between the two world;the four sided and the triangular”(Alamin nyo rin kung bakit ni-revive ni BAMBOO ang Tatsulok!). At ”Ang tunay na pantas ng agham panlipunan at kasaysayan ay dapat pinapatnubayan ng mga teorya at praktika mula sa mamamayan dahil ang agham panlipunan at kasaysayan ay para sa mamamayan at hindi sa iilan”

MAKISANGKOT...
At para naman sa mga kasama kong nakikibaka,sikapin natin na saklawin ang masang estudyante.Gayundin ang ilang progresibong guro at kawani ng ating pamantasan.Wag tayong mahiya na sabihin at i-kwento sa bawat estudyante ang mga isyu na tayo ang maaapektohan.Gayundin,isang paalalarin ang iniiwan ko sa pamahalaang mag-aaral.Always stand for the intrest of the students!.Tungkulin natin na walang sawang ipaalam sa masang estudyante ang kanilang mga karapatan sa edukasyon.
Bilang kabataan at magiging guro sa kinabukasan,eto na ang ating panahon! “aluta continua cadua!”(The struggle continue...kasama!)

*inaalay ko ang pitak na ito para sa aking mga gurong progresibo ... at atrasado mag isip. ^_^#$$@*!
*sa aking mga kapwa mag aaral at ka-medyor (espesyli kay tinay at jen)
*kay mami
*sa mga kasama ko at sa mga nagbuwis na ng buhay para sa pagbabago.






FIREFLY*
Ferd Largo

gabing bumabagyo
walang humpay ang mga dagundong
ng kulog at kidlat
at ang bayan ay kubkob ng kadiliman
dulot ay pangambat takot sa bawat tahanan
ngunit may mga alitaptap
na di natitinag sa kabila ng kanilang mga katangian
pilit na nag liliparan sa gitna ng
mga hampas ng hangin
at sa ginaw na dulot ng unos
silay nanatiling nakakapit
patuloy na nagbibigay ng kakaunti nilang liwanag
sa mga dingding ng mga kabahayan mga puno't mga daanan
minsan pa't napatunayan nila
na kahit silay maririrkit mananatili silang ilaw
na iguguhit ang mapupusyaw na liwanag sa hangin
at handang ibahagi ang natatanging liwanag
sa mga taong nasa gitna ng kadiliman ng gabi
mag papaalala na sa bawat dagundong ng kulog at kidlat
sa bawat bugso ng hangin at ulan
may mga alitaptap na mangangahas para magbigay liwanag
at unti unting ipapatimo sa bawat isipan
na kailangang sindihan ang mga lampara
lamparang mag bibigay liwanag sa mga tahanan
lamparang papawi sa pangamba't takot sa gitna ng unos
at lamparang magiging tanglaw
hanggang sa umagang maaliwalas




A MUST READ ARTICLE FOR THE PNU COMMUNITY

PNU SITUATION 2007


A. KALAGAYAN NG PNU TATLONG TAON ANG NAKALIPAS

B. ANG KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PNU (2007)

C. ANG PANAWAGAN NG EDUCATION INTERNATIONAL

D. ANO ANG MAGAGAWA KO BILANG ESTUDYANTE AT MAGIGING

GURO SA KINABUKASAN?





A. KALAGAYAN NG PNU TATLONG TAON ANG NAKALIPAS

Sa nakalipas na tatlong taon,kapos na kapos ang ibinibigay na budget ng gobyerno sa PNU.Ito ay makikita ito sa ibaba:



Proposed budget 2004 Proposed budget 2005 Proposed budget 2006 Proposed budget 2007

(no data) Php 384.5M Php 367M

Approved budget 2004 Approved budget 2005 Approved budget 2006 Approved budget 2007

Php 243.19M Php 232.5M Php 250M Php 254M



Ang ganitong kalagaya ang nagtutulak sa administrasyon para pumasok sa mga Income generating projects o IGP'S na kung saan ang mga estudyante ang pumapasan ng mga ito.Makikita ito sa mga ipinatupad na polisiya ng administrasyon gaya ng mga sumusunod:



FOUR-DAY-A-WEEK SCHEME

DI IKINUNSULTANG STUDENT HANDBOOK

DI IKINUNSULTANG PAGTAAS NG TORCH FEE

SUNOD-SUNOD NA PAGTAAS NG TUITION AT MISCELEEUS FEES

PAGSUPIL SA PAMAMAHAYAG NG MGA ESTUDYANTE



Sa mga nagdaang taon,walang naging paninindigan at lagi na lamang sinasangayunan ng Student Government ang mga inihahaing mga polisiya ng Board of Regents na nagdudulot ng kawalan ng tiwala ng mga estudyante sa SG.Dagdag pa ang pagiging service oriented ng SG na namana ng mga sumunod na administrasyon ng SG.


B. ANG KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PNU (2007)

Sa pag pasok ng administrasyon ni Atty.Barbo,ito ang mga kinakaharap ng mga pnuans sa ngayon.

NADAGDAGAN ANG PNU BUDYET PERO KULANG PARIN

Approved budget Php 254M

NAKAPOKUS ANG ADMIN AS NORMATIVE FUNDING

Ang napipintong pag sasapribado ng PNU

EPEKTO NG HIGHER EDUCATION MODERNIZATION ACT OF 1997

Ang kontrobersya sa pagkakalukluk sa kanya.


EPEKTO NITO SA MGA PNUANSMga bayarin sa eskwela

a. field trip

b. tangkang pagtaas ng entrance exam

c. mataas na presyo ng pagkain sa canteen

d. book requirements

e. student teaching fee

f. paglalagay ng commercial stalls

g. implementasyon ng SMART ID system

h. pag phase out ng PNU-CTL

i. nakaambang tuition fee increase

j. ang pag tanggal sa Dept.of Sports Dev't at di pag suporta sa mga atleta


Curriculum experimantation

a. New curriculum

-pinapa hectic para pasado sa acreditation

b. NSTP/Extension

-napapagastos ng malaki ang mga estudyante

c.4 Day class

-para mabawasan ang gastos sa MOOE

Ang Status ng administrasyon ni Atty.Barbo

pinaupo siya dahil sa magaling sya sa IGP'S

sa nakaraang pakikipagusap ng mga student leaders sa kanya,inamin nya na nahihirapan syang magpasulpot ng rekursong pinansya dahil sa reenacted nga ang budget.

hindi kayang i- assert ng admin ang mas mataas na budget

kulang sa info ang mga employee/staff hinggil dito


Ang status ng Student Government

kapuna-puna ang mga nagdaang administrasyon ng SG sa pagiging mabuay na paninindigan nito

pag pupugay naman sa kasalukuyan administrasyon ng SG sa naging paninindigan nito hinggil sa bagong ID system at nakaambang pagtataas ng matrikula.

kinakapos pa sa propaganda para iparating sa mga estudyante ang mga bagong mga isyung kinasasangkutan nila

Ang status ng mga Guro
mababa ang sahod ng ating mga teachers,kaya nag hahanap sila ng iba pang mapagkakakitaan tulad ng pagpasok sa COOPERATIVE

hindi pa sila ma unite hinggil sa stand ng estudyante



Ang status ng mga PNUAN
sa nakaraang survey na isinagawa ng SG-Legislative,lumalabas na malaking bilang ang nagsabing walang permanenteng trabaho o di propesyonal ang kanilang mga magulang

mataas din ang bilang ng mga estudyanteng nagsasabing mababa pa sa Php10,000 ang sinasahod ng kanilang mga magulang

gayundin,marami din ang nag sabing saktong Php 100 ang kanilang baon pero naitala din na may mga estudyanteng nagbabaon ng mababa pa sa Php100 at Php50 kaya naman di katakatakang majority sa mga respondents ang nagsabing “di sapat ang baon”nila

kung itutumbas sa kasalukuyang Peso Power Purchasing na Php1.00=Php 0.75,ang halaga ng baon na Php100 ng isang PNUAN ay Php 75 lang,kung Php50 naman ito ay Php 37.50 lamang

karamihan din ay walang scholarship,walang panama sa sustentong ibinibigay ng gobyerno na Php 2M sa bawat kadete ng PMA.Buti pa sa gyera may pera sa edukasyon wala



C. ANG PANAWAGAN NG EDUCATION INTERNATIONAL

Isa sa mga kasalukuyang isyu na tampok sa sektor ng edukasyon ay ang panawagan na itumbas sa 6% ng Gross Domestic Product ang budget sa edukasyon

Ito ang itinakda mismo ng United Nations sa tulong ng EDUCATION INTERNATIONAL at ng ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS-PHILIPPINES kasama ang mga myembrong organisasyon sa sektor ng edukasyon sa buong mundo

Layunin nito na matugunan ang kakulangan sa sektor ng edukasyon

Gayundin,ito ang nakikitang solusyon para matugunan ang mababang literasi rate at para makamit ang ang itinakda ng UN MDG

sa kasalukuyan,3% lamang ang inilalaan ng gobyerno sa budget ng edukasyon.

D. ANO ANG MAGAGAWA KO BILANG ESTUDYANTE AT MAGIGING

GURO SA KINABUKASAN?

Ang mga ito ay magsisilbing hamon sa atin.Ang mga katagang “Kung hindi ngayon kailan pa,kung hindi tayo sino ang kikilos para sa atin” ang ng ating magiging tuntungan para kumilos.Daang taon nang pinaghaharian ng kolonyal,represibo,komersyalisado at elitista ang sektor ng edukasyon.Matagal ng ikinahon ang mga guro sa pagiging Konserbatibo.Kaya bilang mga estudyante sa pagka guro,panahon na para kumilos.

bilang nasa unang taon sa kolehiyo,tungkulin nating i-konsolida ang ating year level

aktibong lumahok sa mga aktibidad ng SG

Laging ikonsulta ang mga isyu sa SG

Laging Magtanong...Maghamon... Magtangka...Makisangkot*

Ito ay hindi lang para sa atin,ito ay para sa mga susunod pang mga guro ng bayan.###

Kritiko hinggil sa ginawa ni SEN.Trillanes et.al



Ika-29 ng nobyembre ng ginimbal tayo ng isang pangyayari nasusubok sa kamulatan ng bawat isa.nag walk-out si Sen.Trillanes,kasama si Brig.Gen Dany Lim at ilang myembro ng Magdalo.nagtawag sila ng mga tao para pag bitiwin na ang papet pasista pahirap sa masa na si gloria.kalaunan ay walang tumugon sa kanilang ninanais, at dahil dyan marahas silang pinasuko ng mga pasistang kabaro nila.Gayun pa man ,lihitimo ang kanilang panawagan para pababain sa pwesto si gloria.ngunit may mga kulang at pagkakamali si senetor,mali ang kanyang pag aanalisis na may "11 milyong handang sumuporta sa kanya" ito ay dahil sa pangungumbinsi ng mga pulpul na mga dilawang kontras na SANLAKAS,PM,LABAN NG MASA AKBAYAN,lidya montayre.Hindi na inisip ng mga gagong ito ang kapakanan ng ni SENETOR.nasan na kaya ang ipinangako nilang libu-libung masa mula sa kanila ang susuporta kay sen...WALA dahil agad itong naharangan ng mga militar at pulis.gayundin ang adbenturismong militar,litaw na litaw ang mga gagong kontras.hindi pa talaga nagwawasto.sa mukhanila sasambulat ang pagkalihis nila.ipinahamak panila ang mga obispo at si VP GUINGONA.bilang panghuli,angkawastuhan sa linya ay makikita sa praktika...STP.
Powered By Blogger