Tuesday, July 29, 2008

SObra NA! Tama na ang kasinungalingan mo.

Pagmamakaawa at pagkuha ng suporta ng sambayanan ang laman ng sona ni gloria.Pero sa ika-8 ulit,muli na namang nangako.Pangakong napapako at magbabaon sa atin sa ibayong kahirapan.Buong pagmamayabang nitong ipinagmalaki na ang VAT ay may malaking maitutulong sa dinadanas nating krisis.Solusyon sa mga problemang di naman tayo ang may gawa.Di bali sana kung talagang nararamdaman ang sinasabi nyang "kaunlaran" e parang sya lang ang nakakaramdam ng mga pangarap nya eh.Palibhasa,sagana sa kayamanan di na inisip ang iba.At saka,lalo lang nyang pinamumukha sa sambayanan na tuta sya ng mga "monopolyo kapitalista" at mga dayuhan pag sanasabi nyang wala syang magagawa dahil sa ang krisis ay di lamang sa pinas kundi pandaigdigan din.Ibig sabihin ba nya,magpapadala nalang tayo sa agos ng Krisis na ito.

Ito nga pala ang sona music video na likha ng mga guro mula sa UP at para sa LFS.



For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

No comments:

Powered By Blogger