Ito ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.Daang-daang estudyante ang nagtitiis sa mabahong mga palikuran.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Anong uunahin? CR ba o Classroom?
Isa lang ang sagot: malaking bahagi ng pambansang badyet ay inilalaan sa DEBT SERVICING o Pambayad utang.Perang inutang na kalakhan ay hindi naman napakinabangan ng mamamayan.Dagdag pa dyan ang malawakang kurapsyon sa gubyerno.
Panahon na para maningil sa kakulangang ito ng gubyerno.Ang pagpapatayo ng eskwelahan at mga palikuran ay hindi malaking usapin.Kailangan magtayo ng mga eskwelahan at sapat na bilang ng mga palikuran.(NOTE:walang mangungurakot!)
Utang panlabas,ilipat sa edukasyon!
badyet sa edukasyon,itumbas sa 6% ng GNP!
EDUKASYON,karapatan ng mamamayan!
Wednesday, June 18, 2008
(TV Coverage) ACT iginiit ang pangangailangan para sa mas mataas na sahod.
Kamakailan lang ay nagrali ang mahigit 200 guro sa Maynila upang igiit ang mataas na sahod.Ito ay sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers mula sa iba't-ibang balangay nito sa kalakhang maynila.
Sa matagal na panahon kasi ay hindi pa naitataas ang sahod ng mga guro.Pero ang mga sundalo,tatlong beses na nagtataas ng sahod.
Sa kasalukuyan,pumasa na sa Second Reading ng Senado ang SB2408 o AN ACT PROVIDING FOR ADDITIONAL SUPPORT AND COMPENSATION FOR EDUCATORS IN BASIC EDUCATION.Kalakip nito ang probisyon na naglalayong itaas ang sahod ng mga guro.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
nasa ibaba ay ang:
Click the document to pop-up
Kung papansinin,ang Salary Grade 10 step 1 ay sumasahod ng P10,933.Ibawas pa ang mga kinakaltas ng TAX,GSIS at iba pa.P5-7,000 ang naiuuwi ng mga guro.Hindi nakakasapat sa buwanang gastusin.
Sa isinusulong ng ACT na Salary Upgrading,ang Salary Grade 10 na Teacher 1 ay dadagdagan ng 3,000 kada isang taon.Ito ay isasagawa sa loob tatlong taon.Nanganga hulugan na P19,579 ang susweldohin ng mga guro na Teacher 1 Salary Grade 10 sakaling maipasa ang naturang panukalang batas.
Tignan ang detalye sa baba:

Thursday, June 12, 2008
Sunday, June 8, 2008
Saturday, June 7, 2008
KOMENTO HINGGIL SA TV AD NI MR. SHOOLI
Para kay mateo at sa lahat ng mga kasama:
Nung una kong nakita ang palatastas ay talaga namang napamura ako di dahil sa nakita ko ang flag ng LFS,KMU at iba pang pangmasang organisasyon natin.Nakita ko rin kasi ang flag ng pangmasang organisasyon ng mga guro (ang ACT), kahit di gaanong kita pero pasin parin sa ibang chanel tulad ng Chanel 13.
Di ko lubos maisip kung ano ang gustong palabasin ng gobyernong ito. Isinama pa ang organisasyon na nakikipaglaban para sa mga guro.Wala namang hinahangad ang mga guro kundi ang maayos at disenteng pamumuhay.Yun tipo bang sahod na nakakabuhay at nakakasapat. Hindi naman naghahangad ng mga guro na magkamal ng kayamanan. TIYAK NA SILA RIN ANG NAGLAGAY NG BANDALISMO SA ILALIM NG MRT ORTIGAS STATION DAHIL ANG MGA ORGANISASYON NA BINANGGIT SA TV AD AY SYA RING NAKAPINTA SA PADER. Wala akong pruweba pero gayun paman,isa lamang itong palatandaan na itinataas na ng rehimeng ito ang “todo gyera laban sa mga kritiko nito”. Batid niya na isang maling galaw niya ay tiyak na sa basurahan sya pupulutin.
Isang hamon ang kinakaharap natin ngayon. Sa tumitinding atake sa atin ng rehimeng ito, ganun ding ang papatinding black propagandang pinapakawalan nito sa pamamagitan ng paggasta para sa mga mapanirang tv ad. Kaya ibuhos natin ang ating mga galit sa pamamagitan ng pagpapahusay ng ating Propaganda(visual,oral props). Kaya nating higitan ang tv ad ni shooli.Limitado lang ang panahon nito sa ere.At ilan lang naman ang nanonood ng Chanel 4,9 at 13. Mas mahusay tayong mag props kesa kanila.At pasibo lang ang maniniwala sa sinasabi kay shooli.Malaganap na ang krisis ng lipunang Pilipino At ang mamamayan, pagnagutom hindi naniniwala sa mga bagay na lalong nagpapagutom.Halos magkandarapa ang mamamayan sa pagbili ng NFA rice,samantalang panay ang laro ng golf ni gloria at ng mga alipures nito.Sa tingin ba nila,may maniniwala pa sa kanila.
Ang pagbabago sa sarili ay may pinagdadaanang mga proseso.Maiigpawan lamang ito kung ikaw mismo ay handang isuko ang makamundo at makasariling intres para sa kapwa mo.At batid ko at batid nyo rin na lahat ng ito ay isinasabuhay natin.”Ang simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka!”(kaya nga nahulog si ka bel sa bubong ng bahay nila eh,wala syang pera pang pagawa ng bahay nila).Kaya sino ang kasuklam-suklam?,tayo ba na walang hinangad kundi ang makamtan ang ninanais na panlipunang pagbabago para sa mamamayan at ng buong daigdig o sila na walang ginawa kundi kamkamin ang kayamanan ng bansa at pahirapan ang sambayanan?.
Ilang araw nalang at pasukan na naman,ito ay magandang simula para muling pasiglahin ang mga protesta sa lansangan.Panahon na muli para maningil sa punyetang si gloria.(masama ang magmura,pero pag kay gloria at mga alipures nito,walang masama)
Maraming salamat! Aluta Continua Cadua!

(TV COVERAGE) MGA GURO, NAGPROTESTA LABAN SA MGA ANTI-GURONG PATAKARAN NG DEPED.
Nitong nakaraang sabado ay nagsagawa ng kilos protesta ang mga guro sa maynila sa pangunguna ng ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS-MANILA CHAPTER. Kinundena nila ang polisiyang 6+1 teaching load.Anila,labag ito sa inilabas na guidelines ng Civil Service Commision.Sa walong oras na pagtuturo,anim na oras ay dapat "actual teaching hours" at ang natitirang dalawang oras ay pwede nang gamitin para sa pagsasaayos ng mga records,lesson plan at grades.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Tuesday, June 3, 2008
Ang tunay na kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas.
Ito na marahil ang manipestasyon ng edukasyon sa Pilipinas.Kamakailan lang,ipinagyabang ng rehimeng ito na natutugunan na nito ang taun-taong problema sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.Sinasabi nito na bumaba na mula sa isang milyong ang mga Out-of-School-youth sa bansa.Taliwas sa kanila mismong mga datos na ipinapakita na mistulang may pinagtatakpan.Ang totoo,pumalo na sa 3 milyong kabataan ang hindi na nakakapagaral ngayong taon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Subscribe to:
Posts (Atom)