Friday, May 9, 2008

Beh ….buti nga!$$@&&*^%^$^%


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Napanood ko kanina ang mga pangyayaring ito. Magsilbi sana itong tanda sa mga gabinete at pati narin kay Gloria na isinusuka na sya ng mga kabataan at sambayanan.

Tumitindi na ang krisis ng lipunang ito.Hindi na mapigilan ang pagdausdos ng ating mga kabuhayan at pagsirit naman ng mga presyo ng mga bilihin.protesta ang sagot ng mamamayan habang hagupit naman ng teroristang atake ng rehimeng US-Arroyo.

Tumatagos saan man ang krisis at pati sa mga institusyon pang akademiko ay nagiging larangan ng tungalian ng propaganda at pulitika. Kata-takang mga opisyales ng pekeng pangulong ito ang tumutungo sa mga eskwelahan at mga kumunidad.

Sinong nagsisinungaling?

Katakutakot ang mga ginagawang kontra-propaganda ni Gloria laban sa mga kumakalaban sa kanya.Bulto-bultong mga pondong di mawari kung saan nag mumula ang isinusustento ng unano.Habang binubulag naman ng mga komersyal sa telebisyon ang isipan ng mga mahihirap na umuunlad na ang pilipinas.Ngayon ko napatunayang makakapal talaga ang mga mukha ng mga gagong ito.

May mga mukha pang naihaharap sa mga mamamayan.Samantalang,katakotakot ang pagdarahop ng mga manggagawa sa kanilang mga sahod,ni mga magsasaka hindi na makakain ng sarili nilang mga pananim.ang mga MMDA na mistulang mga salot na walang ginawa kundi magdemolish ng mga “masama sa kanilang paningin”sa ngalan ng Urbanidad kuno.

Nagbibigay pugay ako sa mga kabataang patuloy na nangangahas na makibaka.
Darating ang panahon naniningil tayo at lilipulin natin ang mga katulad nila.
Nasa atin ang katwiran,nasa atin ang pagkakaisa...atin ang tagumpay!###

No comments:

Powered By Blogger