Wednesday, June 18, 2008

(TV Coverage) ACT iginiit ang pangangailangan para sa mas mataas na sahod.

Kamakailan lang ay nagrali ang mahigit 200 guro sa Maynila upang igiit ang mataas na sahod.Ito ay sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers mula sa iba't-ibang balangay nito sa kalakhang maynila.

Sa matagal na panahon kasi ay hindi pa naitataas ang sahod ng mga guro.Pero ang mga sundalo,tatlong beses na nagtataas ng sahod.

Sa kasalukuyan,pumasa na sa Second Reading ng Senado ang SB2408 o AN ACT PROVIDING FOR ADDITIONAL SUPPORT AND COMPENSATION FOR EDUCATORS IN BASIC EDUCATION.Kalakip nito ang probisyon na naglalayong itaas ang sahod ng mga guro.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
nasa ibaba ay ang:


Click the document to pop-up
Kung papansinin,ang Salary Grade 10 step 1 ay sumasahod ng P10,933.Ibawas pa ang mga kinakaltas ng TAX,GSIS at iba pa.P5-7,000 ang naiuuwi ng mga guro.Hindi nakakasapat sa buwanang gastusin.
Sa isinusulong ng ACT na Salary Upgrading,ang Salary Grade 10 na Teacher 1 ay dadagdagan ng 3,000 kada isang taon.Ito ay isasagawa sa loob tatlong taon.Nanganga hulugan na P19,579 ang susweldohin ng mga guro na Teacher 1 Salary Grade 10 sakaling maipasa ang naturang panukalang batas.

Tignan ang detalye sa baba:

No comments:

Powered By Blogger