Para kay mateo at sa lahat ng mga kasama:
Nung una kong nakita ang palatastas ay talaga namang napamura ako di dahil sa nakita ko ang flag ng LFS,KMU at iba pang pangmasang organisasyon natin.Nakita ko rin kasi ang flag ng pangmasang organisasyon ng mga guro (ang ACT), kahit di gaanong kita pero pasin parin sa ibang chanel tulad ng Chanel 13.
Di ko lubos maisip kung ano ang gustong palabasin ng gobyernong ito. Isinama pa ang organisasyon na nakikipaglaban para sa mga guro.Wala namang hinahangad ang mga guro kundi ang maayos at disenteng pamumuhay.Yun tipo bang sahod na nakakabuhay at nakakasapat. Hindi naman naghahangad ng mga guro na magkamal ng kayamanan. TIYAK NA SILA RIN ANG NAGLAGAY NG BANDALISMO SA ILALIM NG MRT ORTIGAS STATION DAHIL ANG MGA ORGANISASYON NA BINANGGIT SA TV AD AY SYA RING NAKAPINTA SA PADER. Wala akong pruweba pero gayun paman,isa lamang itong palatandaan na itinataas na ng rehimeng ito ang “todo gyera laban sa mga kritiko nito”. Batid niya na isang maling galaw niya ay tiyak na sa basurahan sya pupulutin.
Isang hamon ang kinakaharap natin ngayon. Sa tumitinding atake sa atin ng rehimeng ito, ganun ding ang papatinding black propagandang pinapakawalan nito sa pamamagitan ng paggasta para sa mga mapanirang tv ad. Kaya ibuhos natin ang ating mga galit sa pamamagitan ng pagpapahusay ng ating Propaganda(visual,oral props). Kaya nating higitan ang tv ad ni shooli.Limitado lang ang panahon nito sa ere.At ilan lang naman ang nanonood ng Chanel 4,9 at 13. Mas mahusay tayong mag props kesa kanila.At pasibo lang ang maniniwala sa sinasabi kay shooli.Malaganap na ang krisis ng lipunang Pilipino At ang mamamayan, pagnagutom hindi naniniwala sa mga bagay na lalong nagpapagutom.Halos magkandarapa ang mamamayan sa pagbili ng NFA rice,samantalang panay ang laro ng golf ni gloria at ng mga alipures nito.Sa tingin ba nila,may maniniwala pa sa kanila.
Ang pagbabago sa sarili ay may pinagdadaanang mga proseso.Maiigpawan lamang ito kung ikaw mismo ay handang isuko ang makamundo at makasariling intres para sa kapwa mo.At batid ko at batid nyo rin na lahat ng ito ay isinasabuhay natin.”Ang simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka!”(kaya nga nahulog si ka bel sa bubong ng bahay nila eh,wala syang pera pang pagawa ng bahay nila).Kaya sino ang kasuklam-suklam?,tayo ba na walang hinangad kundi ang makamtan ang ninanais na panlipunang pagbabago para sa mamamayan at ng buong daigdig o sila na walang ginawa kundi kamkamin ang kayamanan ng bansa at pahirapan ang sambayanan?.
Ilang araw nalang at pasukan na naman,ito ay magandang simula para muling pasiglahin ang mga protesta sa lansangan.Panahon na muli para maningil sa punyetang si gloria.(masama ang magmura,pero pag kay gloria at mga alipures nito,walang masama)
Maraming salamat! Aluta Continua Cadua!
No comments:
Post a Comment