Tuesday, February 12, 2008
“Tuso man ang matsing , UNGOY parin!”
Ito ang napapala ng ungoy nawalang ginawang mabuti sa mamamayan. Kabi-kabila ang pagdukot at pagpatay sa mg aktibista, mga anomalya sa pamahalaan at pagtatakip sa katotohanan para umastang matatag ang kaniyang panunungkulan. Ngunit ang lahat ng mga ginagawang ito ng rehimeng US-Arroyo ay may katapusan din.
Ito na yata ang pinakamatinding dahilan kung bakit kailangan na nating patalsikin ang Papet, Pasista, Pahirap sa masa na si Gloria Makapagal Arroyo. Lantad na lantad na ang umaalingasaw na baho na matagal na kinulob at ibinuro ng rehimeng ito. Matapos pakawalan ni Rodolfo “jun” Lozada ang matitibay at di matitibag na mga ebidensya ng pagdukot pagbubusal at pandarambong sa kaban ng bayan.Sapat na ito para pataobin ang nagpapanggap na rehimeng ito.
Ininsaisa ni Lozada kung paano sya dinukot at tinangkang patahimikin ng pamahalaan. Maiyak-iyak sya pag isinalalarawan nya ang kawalanghiyaan ng mga ito. Agad din namang naghugas kamay ang mga gagong ito ng humarap sila sa senado. Ngunit kahit anung pambabaluktot ng mga ito hinding hindi nila nasira ang kredibilidad ni Lozada.Ang mga pulis at militar na nagpapanggap na hindi nandurukot ay hindi makasagot ng maayos at parang nanghuhula,Gayundin ang huli na sa bibig na si Atienza,na tinawagan nya raw si "E.S.at si Ma'am" pero pilit na igignigiit na si "many" daw.
Sa kabila ng lahat ng mga ito, kabi-kabila ang mga pagkakaso ng mga alipures ng Malakanyang para makalusot sa kontobersya. Dagdag pa dyan ang kumalat na text massage na may mga magpapasabog sa ilang lugar sa maynila bilang pagtatakip sa ZTE-NBN anomaly. Ngunit katakatakang lumabas ito sa gitna ng naglalagablab na damdamin ng mga tao. Nais na buhusan ng tubig ang mga mamamayan para wag ng lumabas sa kalsada at magprotesta.
Eto na ang panahon!!!
Nakahapag na lahat ng ebidensya ng kabulukan ng gobyernong ito.marapat lang natayo ay magpasya at kumilos para baguhin ang sistemang ito.nanawagan na ang simbahan para sa isang communal action kaya manindigan na tayo.#
NBN DEAL, BROADBAND KURAKOT!
CYBER EDUCATION, CYBERKURAKOT!
SEC. NERI, RESIGN!
GOBYERNO NI ARROYO, PUGAD NG SINDIKATO!
GLORIA RESIGN!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment