Monday, February 25, 2008

EDSA Aniversary celebration (with militant twist)


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Seremonya sa People Power Monument pinutakte ng aberya

Hindi na nga sinipot ni Pangulong Arroyo ang paggunita ng EDSA 1 sa People Power Monument sa Quezon City, binalot pa ito ng samu’t saring kapalpakan.

Si Vice-President Noli de Castro ang humalili Lunes ng umaga kay Gng. Arroyo sa seremonya sa People Power Monument.

Paliwanag ng Palasyo, nais daw ng Pangulo na ibahin ang estilo ng pagdiriwang ng EDSA anniversary.

"Iniba ni Presidente yung kanyang pag ah, in observing EDSA anniversary, by observing activities that are people-oriented," ani Executive Secretary Eduardo Ermita.

Pero nang itataas na ng Bise-Presidente at ni dating pangulong Fidel Ramos ang bandila, bigla itong huminto.

Natapos na ang pambansang awit, hindi pa naitataas ang bandila.

Kaya inilipat na lang nina AFP chief Gen. Hermogenes Esperon ang bandila sa ibang flagpole saka pa lang natuloy ang seremonya.

"Parang ano'y, hindi maganda no, at ah umipit… Ito namang ating selebrasyon ng EDSA, taon-taon, eh talagang palaging medyo may konting glitch, mga pumapalpak ng konti," ani Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando.

Pero hindi doon natapos ang mga aberya.

Patapos na ang programa at kumakanta si Renz Verano nang sumablay naman ang minus one.

Naging "a capella" tuloy ang kanta, sinabayan na lang ng mga nasa entablado.

Pati ang paghulog ng mga confetti mula sa helicopter na dapat sana'y pampa-drama, nauwi sa komedya.

Ito ay dahil balu-balumbon ba namang nagbagsakan ang mga confetti.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

No comments:

Powered By Blogger