Nagulat ako ng makita ko ang bagong t.v. ad ng Lucky me featuring Miss Tapia at ang setting sa PNU. Ito na yata ang pagngalwang t.v. ad na ginawa sa normal.Yung una ay ang Colegate toothpaste na ang tagline ay ”talk to me”. Iba pa dito yung shooting ng scorpion nigths staring albert martines at joyce jimenes. At ang building sa …sikreto!
Pero hindi ko talaga maisip kung bakit pinapayagan ng admin ang mga ganitong promosyon. Kung baga, bakit dito pa sa normal imbes na sa ibang mga lugar. Siguro marahil ay ganito na talaga kalala ang pangangailanga ng Normal sa Pinansya. Ang sa akin lang, napakarami kasi ng kwento sa likod ng mga ito. As in beyond the prodution itself. Eto at ikukweto ko sa inyo.
Miss Tapia: ”yan di kasi nagbreakfast”
Paano ba naman di makakapag agahan e napaka-hectic ng sched sa klase. Ang mga nasa BSE courses ginawa ng quaterly. Well, ganyan talaga, ang iba pa nga grabe ang dinadanas dahil sa mga project na ”over price” at ”kumikitang kabuhayan”. Dagdag pa dyan ang mahal na mga pagkain sa Luncheonett na hindi kaya ni isko at iska. At isa rin sa mga dahilan kung bakit mahal ang mga bilihin ay dahil sa mataas na parenta sa mga stall.ang resulta, ang mga umuupa na hindi na makabayad sa renta (note:10000 php ang renta)kaagad na pinapaalis. Karaniwang mga napapaalis ay yung mga umuupa na mababa ang mga presyo ng mga paninda.tsk..tsk.tsk...
Youtube: PNU Commercial[ization] T.V. Ad
Ito na siguro ang maituturing na isang porma ng komersylisasyon sa loob ng normal. Hindi lingid sa ating kaalaman na salat sa badyet ang normal at bilang pangtapal sa lumalalang problemang ito, ipinatupad ng admin ang tinaguriaang “tatapos sa maliligayang araw” ng mga iskolar at magiging guro ng bayan, ang ”Normative Funding”. Ayon sa apat na taoong programang nakapaloob nito, unti-unting babawasan ng gobyerno ang mga alokasyon nito hangang tuluyan ng maging “selfsuficient” ang mga SUC.samakatwid,pribatisado na. Ito ay nakabalangkas sa probisyon ng Higher Education Modernization Act of 1997 na kung saan inaalis na ng gobyerno ang kanilang tungkulin sa mga subsidyo sa mga SUC at kailangan na din na magsagawa ng mga income generating projects ang mga ito para maging supisyente. ang resulta, nakaambang pagtaas ng matrikula, mga Fund raising, Curriculum experimentation(4 day class, NSTP fieldtrip) PNU press Commercialization, ID System, Commercial stalls, Student Teaching Fee at CTL phase out.
Ang lucky me TV ad at ang mga nauna ko ng nabanggit ay manipestasyon lamang ng komersyalisasyon sa normal at iba pang mga SUC. Hinagupit na ng matindi ang Unibersidad ng Pilipinas kung saan nagtaas ng 300% ang matrikula. Gayundin ang EARIST at iba pa. Maganda ang mga ganitong tv ads , pero mapapaltan ang iyong ngiti
kapag nalaman mong dahil sa mga tv ad na ito, unti-unting bibitiwan ng gobyerno ang tungkuling nito sa edukasyon. gayundin,ang mga perang makukuha sa mga tv ad na ito ay walang katiyakang makapagbibigay ng matagalang ganansya sa mga iskolar ng bayan.
Okey lang naman mga tv ad na ito pero kailangan nating sipatin at malalimang unawain ang mga kwento sa likod ng mga ito.
No to commercialization!
No to Privatization!
Fight for higher state subsidy!
Education for All!
Scientific, Nationalist, and Mass oriented Education for the people!
No comments:
Post a Comment