“SINONG NAG SABI NA WALA TAYONG MAGAGAWA, SINONG NAG SABING MAG-ARAL MUNA AT WAG MAKIALAM,PADADALA KA BA SA AGOS? HALINA AT KUMILOS,ETO NA ANG PANAHON!”
-Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (KARATULA)
Isa lang ako sa mga dati'y walang pakialam sa pamantasang ito. Pero 'di na ngayon... Heto ako mulat na kumikilos para sa pagbabago. Siguro nga ay wala akong maipagmamalaki 'pag dating sa mga grades ko, pero 'di ko ito ikinahihiya. Mabababa ang grades ko dahil sa pakikilahok ko sa mga pagkilos sa lansangan at hindi dahil sa mga paglalakwatsa, gimik, pagso-syota at mas lalong 'di sa pag-aadik.
Mas kinahiligan ko na magklase sa mga lansangan ng Mendiola, Batasan, at Boni Shrine.
MAGTANONG...
“Ano naman ba ang nakukuha mo sa pagra-rali?! Wala naman kayong magagawa!”
Ito ang laging argumento ng aking nanay sa akin. Nung una 'di niya tangap ang aking mga ginagawa.Sa kasalukuyang konteksto kasi ng pamilya , mas gugustuhin pa ng mga magulang na maging pasibo ang kanilang mga anak at mag- aral na lang. Pagkatapos ng graduation, tungkulin ng mga anak na suklian ang mga hirap na ginawa ng kanilang mga magulang. Sa aking opinyon, tama sila at ayokong iwaksi ang ganitong mga kaugalian dahil talaga namang malaki ang sakripisyo ng ating mga magulang lalo na ngayong panahon ng krisis (kahit sinasabi ni Gloria na umuunlad na tayo...$$@!!!). Pero lagi ko rin sinasabi sa kanya na “Mami, sa totoo lang, for so many years mo na sa service,ang kinakaltas ng government sayong tax ay di mo naman napapakinabangan. Sa totoo lang, dapat di mo na iniintindi ang pang matrikula ko dahil education is a right and not a privilage!”.Siguro,kahit naaasar sya sa ginagawa ko natatanggap nya rin dahil talaga namang may punto ako. Alam niya ang kasalukuyang kalagayan sa mga public schools.Maduming c.r. ,walang text books,kulang sa class rooms at mababang sahod ng mga teachers. Sa mga simpleng paglahok ko sa mobilisasyon kontra tfi , back cola ng mga teachers at atbp...Naipapakita ko sa kanya na kasama nya ako sa kaniyang ipinaglalaban.
MAGHAMON...
Gusto ko ring bigyang pugay ang mga magigiting kong mga guro na nanindigan para sa tama,kahit hindi tayo nag tagumpay sa pagkakataong ito,nagtagumpay naman kayo sa pagtuturo sa amin kung paano manindigan para sa katotohanan,dahil kami ay magiging guro sa hinaharap. Pero nais ko rin ipabatid hindi lamang sa ating mga guro pati narin sa kapwa ko magaaral na mag tatagupay lamang ang ating mga ipinaglalaban kung tatanggalin natin mismo sa ating hanay ang pagiging sektaryan.Wag tayong maging consevative,kesyo ito ay laban ng mga estudyante o di kaya ay kaguruan,ang ating sama samang pagkilos ay susi sa ikatatagumpay ng ating ipinaglalaban.Itakwil din natin ang mga grupong mapang hati sa ating pamantasan,at pagkaisahin ang ating hanay. Para naman sa mga gurong atrasadong mag-isip at kung anu-ano ang tinuturo walang ginawa kundi manira,heto lamang ang masasabi ko sa inyo
:”if presonal conviction, theoretical maturity and practical circumstances result in the students decision to opt for the higher level of confrontation,let us not be too upset about his absence from class and the academe it will be more tragic if he absent himself from the making of history” -Lean Alejandro,Student Leader
MAGTANGKA...
Para naman sa mga ka medyor ko, siguro nga ay mahilig ako sa ating laboratoryo,ang lipunan.May mga bagay kasi na lubos mo lang mauunawaan sa labas ng paaralan.At may mga bagay din na itinuturo sa eskwela na malayong-malayo sa tunay na kalagayan ng lipunan.Well,wala ako karapatan na sabihin 'to.Isang hamon nalang ang iiwan ko sa inyo.”Try to discover the outside world,then find the difference between the two world;the four sided and the triangular”(Alamin nyo rin kung bakit ni-revive ni BAMBOO ang Tatsulok!). At ”Ang tunay na pantas ng agham panlipunan at kasaysayan ay dapat pinapatnubayan ng mga teorya at praktika mula sa mamamayan dahil ang agham panlipunan at kasaysayan ay para sa mamamayan at hindi sa iilan”
MAKISANGKOT...
At para naman sa mga kasama kong nakikibaka,sikapin natin na saklawin ang masang estudyante.Gayundin ang ilang progresibong guro at kawani ng ating pamantasan.Wag tayong mahiya na sabihin at i-kwento sa bawat estudyante ang mga isyu na tayo ang maaapektohan.Gayundin,isang paalalarin ang iniiwan ko sa pamahalaang mag-aaral.Always stand for the intrest of the students!.Tungkulin natin na walang sawang ipaalam sa masang estudyante ang kanilang mga karapatan sa edukasyon.
Bilang kabataan at magiging guro sa kinabukasan,eto na ang ating panahon! “aluta continua cadua!”(The struggle continue...kasama!)
*inaalay ko ang pitak na ito para sa aking mga gurong progresibo ... at atrasado mag isip. ^_^#$$@*!
*sa aking mga kapwa mag aaral at ka-medyor (espesyli kay tinay at jen)
*kay mami
*sa mga kasama ko at sa mga nagbuwis na ng buhay para sa pagbabago.
FIREFLY*
Ferd Largo
gabing bumabagyo
walang humpay ang mga dagundong
ng kulog at kidlat
at ang bayan ay kubkob ng kadiliman
dulot ay pangambat takot sa bawat tahanan
ngunit may mga alitaptap
na di natitinag sa kabila ng kanilang mga katangian
pilit na nag liliparan sa gitna ng
mga hampas ng hangin
at sa ginaw na dulot ng unos
silay nanatiling nakakapit
patuloy na nagbibigay ng kakaunti nilang liwanag
sa mga dingding ng mga kabahayan mga puno't mga daanan
minsan pa't napatunayan nila
na kahit silay maririrkit mananatili silang ilaw
na iguguhit ang mapupusyaw na liwanag sa hangin
at handang ibahagi ang natatanging liwanag
sa mga taong nasa gitna ng kadiliman ng gabi
mag papaalala na sa bawat dagundong ng kulog at kidlat
sa bawat bugso ng hangin at ulan
may mga alitaptap na mangangahas para magbigay liwanag
at unti unting ipapatimo sa bawat isipan
na kailangang sindihan ang mga lampara
lamparang mag bibigay liwanag sa mga tahanan
lamparang papawi sa pangamba't takot sa gitna ng unos
at lamparang magiging tanglaw
hanggang sa umagang maaliwalas
A MUST READ ARTICLE FOR THE PNU COMMUNITY
PNU SITUATION 2007
A. KALAGAYAN NG PNU TATLONG TAON ANG NAKALIPAS
B. ANG KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PNU (2007)
C. ANG PANAWAGAN NG EDUCATION INTERNATIONAL
D. ANO ANG MAGAGAWA KO BILANG ESTUDYANTE AT MAGIGING
GURO SA KINABUKASAN?
A. KALAGAYAN NG PNU TATLONG TAON ANG NAKALIPAS
Sa nakalipas na tatlong taon,kapos na kapos ang ibinibigay na budget ng gobyerno sa PNU.Ito ay makikita ito sa ibaba:
Proposed budget 2004 Proposed budget 2005 Proposed budget 2006 Proposed budget 2007
(no data) Php 384.5M Php 367M
Approved budget 2004 Approved budget 2005 Approved budget 2006 Approved budget 2007
Php 243.19M Php 232.5M Php 250M Php 254M
Ang ganitong kalagaya ang nagtutulak sa administrasyon para pumasok sa mga Income generating projects o IGP'S na kung saan ang mga estudyante ang pumapasan ng mga ito.Makikita ito sa mga ipinatupad na polisiya ng administrasyon gaya ng mga sumusunod:
FOUR-DAY-A-WEEK SCHEME
DI IKINUNSULTANG STUDENT HANDBOOK
DI IKINUNSULTANG PAGTAAS NG TORCH FEE
SUNOD-SUNOD NA PAGTAAS NG TUITION AT MISCELEEUS FEES
PAGSUPIL SA PAMAMAHAYAG NG MGA ESTUDYANTE
Sa mga nagdaang taon,walang naging paninindigan at lagi na lamang sinasangayunan ng Student Government ang mga inihahaing mga polisiya ng Board of Regents na nagdudulot ng kawalan ng tiwala ng mga estudyante sa SG.Dagdag pa ang pagiging service oriented ng SG na namana ng mga sumunod na administrasyon ng SG.
B. ANG KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PNU (2007)
Sa pag pasok ng administrasyon ni Atty.Barbo,ito ang mga kinakaharap ng mga pnuans sa ngayon.
NADAGDAGAN ANG PNU BUDYET PERO KULANG PARIN
Approved budget Php 254M
NAKAPOKUS ANG ADMIN AS NORMATIVE FUNDING
Ang napipintong pag sasapribado ng PNU
EPEKTO NG HIGHER EDUCATION MODERNIZATION ACT OF 1997
Ang kontrobersya sa pagkakalukluk sa kanya.
EPEKTO NITO SA MGA PNUANSMga bayarin sa eskwela
a. field trip
b. tangkang pagtaas ng entrance exam
c. mataas na presyo ng pagkain sa canteen
d. book requirements
e. student teaching fee
f. paglalagay ng commercial stalls
g. implementasyon ng SMART ID system
h. pag phase out ng PNU-CTL
i. nakaambang tuition fee increase
j. ang pag tanggal sa Dept.of Sports Dev't at di pag suporta sa mga atleta
Curriculum experimantation
a. New curriculum
-pinapa hectic para pasado sa acreditation
b. NSTP/Extension
-napapagastos ng malaki ang mga estudyante
c.4 Day class
-para mabawasan ang gastos sa MOOE
Ang Status ng administrasyon ni Atty.Barbo
pinaupo siya dahil sa magaling sya sa IGP'S
sa nakaraang pakikipagusap ng mga student leaders sa kanya,inamin nya na nahihirapan syang magpasulpot ng rekursong pinansya dahil sa reenacted nga ang budget.
hindi kayang i- assert ng admin ang mas mataas na budget
kulang sa info ang mga employee/staff hinggil dito
Ang status ng Student Government
kapuna-puna ang mga nagdaang administrasyon ng SG sa pagiging mabuay na paninindigan nito
pag pupugay naman sa kasalukuyan administrasyon ng SG sa naging paninindigan nito hinggil sa bagong ID system at nakaambang pagtataas ng matrikula.
kinakapos pa sa propaganda para iparating sa mga estudyante ang mga bagong mga isyung kinasasangkutan nila
Ang status ng mga Guro
mababa ang sahod ng ating mga teachers,kaya nag hahanap sila ng iba pang mapagkakakitaan tulad ng pagpasok sa COOPERATIVE
hindi pa sila ma unite hinggil sa stand ng estudyante
Ang status ng mga PNUAN
sa nakaraang survey na isinagawa ng SG-Legislative,lumalabas na malaking bilang ang nagsabing walang permanenteng trabaho o di propesyonal ang kanilang mga magulang
mataas din ang bilang ng mga estudyanteng nagsasabing mababa pa sa Php10,000 ang sinasahod ng kanilang mga magulang
gayundin,marami din ang nag sabing saktong Php 100 ang kanilang baon pero naitala din na may mga estudyanteng nagbabaon ng mababa pa sa Php100 at Php50 kaya naman di katakatakang majority sa mga respondents ang nagsabing “di sapat ang baon”nila
kung itutumbas sa kasalukuyang Peso Power Purchasing na Php1.00=Php 0.75,ang halaga ng baon na Php100 ng isang PNUAN ay Php 75 lang,kung Php50 naman ito ay Php 37.50 lamang
karamihan din ay walang scholarship,walang panama sa sustentong ibinibigay ng gobyerno na Php 2M sa bawat kadete ng PMA.Buti pa sa gyera may pera sa edukasyon wala
C. ANG PANAWAGAN NG EDUCATION INTERNATIONAL
Isa sa mga kasalukuyang isyu na tampok sa sektor ng edukasyon ay ang panawagan na itumbas sa 6% ng Gross Domestic Product ang budget sa edukasyon
Ito ang itinakda mismo ng United Nations sa tulong ng EDUCATION INTERNATIONAL at ng ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS-PHILIPPINES kasama ang mga myembrong organisasyon sa sektor ng edukasyon sa buong mundo
Layunin nito na matugunan ang kakulangan sa sektor ng edukasyon
Gayundin,ito ang nakikitang solusyon para matugunan ang mababang literasi rate at para makamit ang ang itinakda ng UN MDG
sa kasalukuyan,3% lamang ang inilalaan ng gobyerno sa budget ng edukasyon.
D. ANO ANG MAGAGAWA KO BILANG ESTUDYANTE AT MAGIGING
GURO SA KINABUKASAN?
Ang mga ito ay magsisilbing hamon sa atin.Ang mga katagang “Kung hindi ngayon kailan pa,kung hindi tayo sino ang kikilos para sa atin” ang ng ating magiging tuntungan para kumilos.Daang taon nang pinaghaharian ng kolonyal,represibo,komersyalisado at elitista ang sektor ng edukasyon.Matagal ng ikinahon ang mga guro sa pagiging Konserbatibo.Kaya bilang mga estudyante sa pagka guro,panahon na para kumilos.
bilang nasa unang taon sa kolehiyo,tungkulin nating i-konsolida ang ating year level
aktibong lumahok sa mga aktibidad ng SG
Laging ikonsulta ang mga isyu sa SG
Laging Magtanong...Maghamon... Magtangka...Makisangkot*
Ito ay hindi lang para sa atin,ito ay para sa mga susunod pang mga guro ng bayan.###
No comments:
Post a Comment